Hi. It’s been two weeks since I posted that message saying na aasikasuhin ko ang funeral benefit. Well… I'm done with that. And when I say “I'm done,” it’s not because I got what I needed. Tapos na kasi ayoko na. Haha.
Naka-limang balik na ako sa SSS pero wala naman akong napala, so ayoko na. Magpo-focus na lang ulit ako sa pag-o-outline ng APOT at TDTRS. Sinasayang lang ng SSS ang pera ko, pati na rin ang pagod ko sa biyahe at puyat dahil lagi akong maagang pumipila roon.
So, ibabalik ko na lang muna ang atensyon ko sa pag-o-outline ng stories ko. That is… kung hindi ako tuluyang ma-absorb sa pagpaplano ng self-pub. Haha.
Actually, iniisip kong i-self publish ang TSIFY at TDTRS. Planado na ang book covers, bookmarks (nakapagpa-commission na ako haha), freebies, at kung sinu-sinong artists ang gusto kong pagpagawaan ng artworks. Ang problema ko na lang ay pera. Ang mahal pala magpa-commission ng artworks. Haha. Aabutin ng libo-libo.
Plus, fully booked na ang Kpub PH this year (yes, sila ang bet kong publisher), so mahaba-haba pa ang oras para makapag-ipon ako at matapos ang TDTRS.
Anyway, iyon lang muna ang update ko for now. Babalik na muna ako sa pag-o-outline. Once ma-figure out ko nang maayos ang dalawang stories, magsusulat na agad ulit ako.
Please bear with me. Thank you!
— Pennie