Share ko lang ...
*wala kase akong mapaglabasan ng hinanakit ko ngayon , nakakaiyak
Stress ako ngayon problema ng karamihan financial problem .... and isa sa mga bagay na ginagawa ko para kahit papano maenjoy ko ung buhay ko at kahit papano pansamantala kong makalimutan ung problema ko nag lalaro ako ng mga online games... like Call of duty mobile (codm), ML, COC, cafeland at ngayon ang pinagkakaabalahan ko Roblox (especially 99nights in the forest).
Pag ingame ako nakakalimutan kong problematic nga pala ako kase due date na ng bahay, kuryente, tubig etc. Nakakalimutan kong may seloso akong jowa na lahat ng bagay na gawin ko may ibig sabihin sa kanya. Hindi ka pwede magkamali kase once magkamali ka lang ng masabi or what gagamitin nya un against you kapag nagkaron kayo ng misunderstanding.
Bago pa kami magkakilala year 2018 gamer na ko. ML at CODM pa kinaaadikan ko. Nung naging kami aware naman sya na mahilig talaga ako maglaro pero i know my limits nakakapagwork paren naman ako at nakakagawa ng mga gawaing bahay. May social life paren ako noh. So this year , kanina lang nga eh. Kinukwestyon na nya ang paglalaro ko ng roblox dahil dyan ako ngayon nagsspend ng time ko lately. And he suggest na delete it. At syempre nainis ako i delete all of my games sa phone ko.
Naiiyak ako habang dinedelete ko. Parang part ng pagkatao ko ung inaalis ko.....tama lang ba na mafeel ko to o masyado akong OA?