Huwag Ko Raw Idaan Sa Tula
(poetman_24)

Sabi nila huwag ko raw idaan
sa tula ang aking nararamdaman
pagkat 'di na raw Maria Clara mga kababaihan
wala na raw silbi aking lumang paraan.

Mahina raw ang aking istilo
'di angkop sa panahong ito,
pagsinta ngayo'y makabago
patula-tula ay 'di angkop sa kanilang puso.

'Di raw ako si Balagtas na may Selya
na may nabuong obra sa selda
ako raw ay isang makatang walang salita
liko-liko ang nilanggam na tinta.

Wala na raw ako sa dumaang kasaysayan
na nagtatanghal ng pagibig sa bulwagan
ngunit bakit ako'y inyong sinisingkalan
ano ba ang tama sa inyong katauhan?

Malimit mang tapunan ng tukso ang aking pluma
mga salita ko'y binabali ng iba
subalit iyan ang aking diwa
pagtula'y aking buhay at ligaya.

Totoo ngang wala nang Maria Clarang marikit
na wangis ay bituing mahirap masungkit
ngunit 'di pa rin nauubos ang tumatangkilik
sa mga obra kong may tamis ang panitik.

Iyan ay ako at hindi ikaw
iba ang sa'yo at ang aking pananaw.

June 30,2017
All Rights Reserved.
  • JoinedFebruary 2, 2013



Last Message
poetman_24 poetman_24 Jan 12, 2015 05:15AM
musta mga kaibigansanay nasa mabuti kayong kalagayan...at nawa'y may kapayapaansa bawat kalooban
View all Conversations

Stories by poetman_24
ANG PAGIBIG AT IBA PANG TULA by poetman_24
ANG PAGIBIG AT IBA PANG TULA
ito ang ikatlong komposisyon ng mga tulang nilikha ng puso at isip, karamihan ay tungkol sa king karanasan at...
ranking #509 in mgatula See all rankings
TULA VOL.2 by poetman_24
TULA VOL.2
Ikalawang Edisyon ng mga umiibig na Tula...
1 Reading List