pooh_wet is a frustrated writer, frustrated poet and a frustrated normal human being. 

Inilalabas niya lahat ng sama ng loob niya sa pamamagitan ng tula. Kung tula mang matatawag ang mga akda niya.

Basta kapag frustrated siya sa isang bagay, magsusulat na siya. Kapag magsimula na naman ang sermon sa loob ng bahay nila, magkukulong na siya sa kuwarto at magsisimulang sisihin ang sarili niya(dahil hindi niya agad hinugasan ang pinggan) sa pamamagitan ng pagsusulat.

Kapag nakarinig na naman siya ng tsismisan sa may kanto, kukuha siya ng papel at ballpen, at hahayaang ang mga ito ang makisali sa tsismisan ng may tsismisan.

Kapag nakakainis na naman ang mga balita, gagawa siya ng sarili niyang fictional balita na siya rin lang naman ang nakakabasa.

This account is for her to vent out all her anger, frustrations and little qualms. Iyon ang sabi niya, kahit ang totoo, gusto lang niyang makiuso.

Di baling walang magbasa, may mailabas lang.
Di baling walang makinig, kay masabi lang.
Basta sigurado ako, may isang nagbabasa nito ngayon. Ako.


(insert smiley here, para di masyadong seryoso)
  • JoinedApril 12, 2016

Following


Stories by pooh_wet
Upo by pooh_wet
Upo
Dahil nakakapagod tumayo. At minsan, nakakangawit pag puro higa.
ranking #385 in politics See all rankings
Sabado Blues by pooh_wet
Sabado Blues
An impromptu poem. If not a poem, just an impromptu. :) If not an impromptu, just a text wishing to convey so...
ranking #3 in impromptu See all rankings