princerandell

Gusto ko na lang munang pansamantalang mawala. Kahit ilang minuto lang. Sana naman makalaya na ako sa sakit. 

princerandell

Kaninang umaga, umalis 'yong Mama ko tapos ngayon lang, nag-chat siya na hindi na siya uuwi, na magtatrabaho na lang siya at magpapadala sa amin ng pera. Hanggang ngayon, wala pa rin siya. Nasasaktan ako, sobra. Nauulit na naman 'yong dati na iniwan niya kami ng kapatid ko tapos ngayon, mangyayari na naman ulit. Bakit ba ang hirap intindihin na ayaw ko nang maiwan? Bakit lahat na lang umaalis? Hindi naman ako masama, halos lunukin ko na nga lahat, e para lang mag-stay 'yong isang tao.

princerandell

I'm tired na talaga. Imagine, sunod-sunod na works ang kailangan kong tapusin at i-edit. Grrrr! Bakit ba kasi tamad ako mag-edit? Tapos, sumali pa ako sa 30 Day Writing Challenge ng Dreame, so it turns out na dapat 31 chapters lang ang baliw pero naging 60 chapters siya, nice. Ang sipag mo masyado, self. Natapos ko na rin ang Fire of Hell, natapos ko 'yong kalahati, ahhaha. Tapos ngayon, 'yong Endless Affection, hindi ko alam kung kailan siya matatapos kasi ang tamad ko. I told myself na kapag may cp na ako, sisipagan ko na pero takte! May cp na ako lahat-lahat, tamad pa rin ako. Grabe katamaran, umalis ka!

princerandell

@princerandell sa lahat, ikaw ang hindi umalis! Okay, stay ka na Katamaran. Huwag mo akong iwan. 
Reply

princerandell

I asked myself too many times. Tama ba itong ginawa ko? Tama ba 'yong naging desisyon ko? I'm afraid. 

princerandell

@princerandell I never let you go. Kaya kung naisipan mong bumalik, ikakasaya ko 'yon. I'm okay now, kahit wala ka pero alam kong mas magiging okay ako kung nandiyan ka, mas magiging masaya ako kung nasa tabi kita. That's all. 
Reply

princerandell

Share ko lang, nitong nakaraang araw kasi nagpagupit ako ng buhok at for the first time, nagpa-short hair ako. Napansin ko na bumagay sa akin, akala ko kasi dati magmumukha akong ewan once na pinaikli ko 'yong buhok pero 'yong kinalabasan, nakita ko 'yong ibang version ng sarili ko. Na-realize ko rin na, kailangan ko na ring i-let go 'yong mga masasakit na pangyayari, mga kinatatakutan ko at mga masasamang what ifs ko. Naisip ko na, kailangan ko nang pakawalan lahat-lahat, 'di ko naman sinasabi na kalilimutan ko na 'yong mga 'yon, gusto ko lang talagang makawala na sa sakit. Sa pagkamatay ni Papa, sa pagkawala ng pinaka the best na tao sa buhay ko (2 years na rin naman ang nakalilipas) 'Yong mga kaibigan kong nakalimutan na ako. Lahat sila, lahat ng 'yan, kailangan ko nang i-let go. Kailangan ko nang hayaan 'yong sarili ko na maging masaya dahil sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon ko lang pinili ang sarili ko. Gusto kong makilala pa lalo 'yong sarili gaya ng bago kong itsura dahil sa short hair ko, lol, hahahhha. 

princerandell

@princerandell try ko na rin mag-diet. Tapos sisipagan ko na ring magsulat kasi simula monday, wala na akong oras. Pasukan na, arggh!
Reply

princerandell

@princerandell handa pa rin akong tumanggap. Handa ko pa rin tanggapin ng 'yong mga hair pin galing sa iba't ibang tao kahit maikli na buhok. Lmao. 
Reply

princerandell

I-re-revise at i-pa-publish kong muli 'yong Everything Has Changed, ang pinakaunang istorya ko sa lahat. Tapos na 'yon pero 'yong pagkakasulat at 'yong plot, medyo tagilid. Ahhahahaha. So, 'yon sana suportahan n'yo. 'Yong Baliw naman, 5 chapters lang available dito sa wattpad at 'yong natitirang 65 chapters, ilalagay ko na sa Dreame dahil nakapirma na ako ng kontrata. 'Yong A Sinful Love naman, gano'n din. Limang kabanata lang ang mababasa n'yo kasi baka sa susunod na araw, makuha ko na rin 'yong exclusive contract. Pasensya n talaga sa inyo, pero need nating lahat ng pera. Huwag kayong mag-alala dahil may i-pa-publish pa rin naman akong istorya. 'Yong The Flaring Memories, itutuloy ko na tapos may romance akong istorya na gusto kong i-publish dito sa wattpad kaya abangan n'yo. ;)