Mata ang unang Nagmamahal.
Mababaw na kung Mababaw, Pero yun yung totoo.
Ganun naman kasi sa panahon ngayon. Hindi man lahat, pero madami na ganun ang nangyayari. Yun kasi ang problema ngayon basta may makitang maganda o pogi, go na agad. Inlove na agad. Kahit kakikilala pa lang, hindi mo pa ganun kaalam ang ugali nya, mahal na agad. Liligawan agad o sasagutin agad. Aminin man natin o hindi may ganun talaga. Nadadala tayo sa panlabas na anyo. Pero kung sa ganyan nagsimula ang lahat, malamang o may possibility na hindi magtagal yang nararamdaman mo. Kasi siguro madami sa ngayon na sa unang tingin binabase ang lahat.
Iba kasi yung nalaman mo yung totoong sya o kilala mo talaga sya kesa dun sa nakikita mo lang. Yung iniiisip mong sya. Akala mo ganto, akala mo ganya tapos nung nakilala mo, ay hindi pala. Nag expect ka ng kung ano sa kanya, eh hindi naman siya ganun. Hindi nya kayang gawin o maibibigay. Yun dun na, mapapaatras ka na. Doon na magiging complicated ang lahat. Kasi naman hindi mo muna kinilala. Basta ka na lang pumasok sa isang sitwasyon na hindi mo naman alam kung paano ang takbo.
Sa manlabas na anyo naman kasi talaga tayo unang attract kasi yun ang una nating nakikita. Pero ng dahil sa personality o sa ugali kaya tayo nagtatagal o nawawala sa isang tao. Pinipili natin manatili at umalis ng dahil sa ugali. Kaya dapat tandaan na wag laging go lang ng go. Wag maging padalos dalos sa mga gagawin at sasabihin mo. May mabuting maging sigurado ka muna ng sa huli ay maging maayos ang mangyayari. Para sa huli walang pagsisisi.