Finally, sa wakas, nahanap ko na rin yung istoryang dati ko lang binabasa through free server sa keypad phone ko nung Grade 7/8 ako wayback 2014-2015. Ang tagal ko pong hinanap itong work niyo na HF:Her Serendipity at HF 2: His Tantophobia, at heto nahanap ko na rin after so many failed tries kasi nga di ko maalala ang exact title and ang name niyo author . I am really thankful na nahanap ko na siya ngayon at mababasa ko na rin siya ulit after so many years. Thank you nga pala sa work niyo na to author. Di ko na siya gaanong maalala (yung plot nung story niyo na to) kasi ilang taon na rin ang lumipas, pero meron kasi sa inner part ko na di natatahimik hanggat di ko to nahanap at mabasa ulit, so thank you talaga author at di niyo to binura/tinanggal sa wattpad. Naging isang importanteng parte ng buhay ko as a reader ang mga gawa mo...
God Bless you more!!!
PS. This is just me being so elated at nearly 2 AM in the morning...