Hi Ate Ann I just really want to say thank you for your stories especially the Kingdom University Series. Hindi niyo po siguro alam kung gaano kalaki yung naging impact nito sa akin. From elementary days hanggang pandemic, ito yung naging takbuhan ko. Those were the times na wala pa akong group of friends na matatawag na akin. Madalas mag-isa lang ako, at akala ko wala talagang gustong makipagkaibigan sa akin.
Pero habang binabasa ko yung stories niyo, lalo na yung samahan nina Steff, Yna, Jess, at Alice… pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. Parang kahit papaano, naging parte rin ako ng cof nila. Doon ko unang naramdaman kung paano magkaroon ng barkada kahit sa imagination ko lang muna.
Hindi aakalain ng 11-year-old na ako noon na darating yung panahon na magkakaroon din pala ako ng totoong mga kaibigan. Yung tipong mararanasan ko na rin yung mga simpleng hangouts at saya na dati pinapangarap ko lang habang nagbabasa.
Wala parin akong Bebe Boy pero pinalitan naman ito ng mga kaibigang totoo at maaasahan at sobra akong nagpapasalamat doon. Thank you talaga atee kasi sa mga panahong pakiramdam ko nag-iisa ako, yung stories niyo yung naging kasama ko. You turned my loneliness into something warm and something hopeful. Hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin yung saya na binigay ng stories niyo