Nung ginawa ko yung story ko 'Falling For The Two-Faced Playboy' inspire na inspire ako nun kasi may kakambal yung naging ka MU ka nanligaw siya sakin pero hindi nagtagal parang nawawalan na siya ng pake sakin wala na siyang time natuwa ako kasi yung kambal na yung kababata ko, oo kababata ko sila then yung isa nga naging ka MU ko. Natatandaan ko noon nung birthday niya gumising ako ng maaga kasi di ko na naabutan mag 12:00 dahil antok na antok na ko then yun gumising ako ng 5:00am nag long message ako sakanya, natulog na lang ako nung sinend ko yung message ko kasi nakita kong hindi siya naka online. 8am wala paring reply pero active 16m ago di ko pinansin yon sabi ko sa sarili ko okay lang tapos nung 1pm na hapon na yun ala paring reply naghintay talaga ko kasi ang haba ng message ko sakanya chinat ko yung isa niyang kaibigan si Denis (di niya totoong pangalan) tinanong ko kung nasaaan si Ray (di niya totoong pangalan) sabi ni Dennis nakipag inuman daw kasi birthday niya nasaktan ako nun ni hindi man lang niya sinabi na aalis siya pero lagi naman siyang nagpapaalam sakin nilibang ko na lang yung sarili ko nun then 7pm wala pa din sumama na talaga loob ko tapos mga mag 10pm na nun e nag pm siya sakin "Thankyouu!" Yun lang reply nya dapak! naghintay ako halos 13hrs din yung hintay ko sa reply niya tapos thankyou lang na may dalawang letter 'u' sineen ko siya nun kasi nahihirapan na kong umintindi sa tuwing magkakagalit kami ako nagbaba ng pride tanga ko no? then 3 days walang pansinan sabi ko na lang sa sarili ko kung gusto niya ko makausap siya gagawa ng paraan pero nagkamali ata ako? parang wala lang sakanya na hindi kami magusap ng 3 days parang okay lang simula nun kinausap ko na siya diniretso ko na "Wag mo na ituloy panliligaw mo hindi ikaw yung nahihirapan e, ako" yan yung sinabi ko nag sosorry siya sakin pero ayoko na nakakapagod na kasi minsan magmahal tsaka nakakatakot na. may part 2 to! ayuuuun! ^^^