Hindi naman sa lahat ng pagkakataon na nakasakit ka ng feelings ng ibang tao, ginusto mo. Minsan, di mo lang talaga alam. Minsan, wala ka ng ibang choice.
Baka kasi yun na nalang ang tanging paraan para maisalba ang isa sa inyo. Baka yun nalang ang tanging paraan para protektahan sya o ang kapakanan mo, bahala nang maging selfless o selfish.
O baka yung past mo, di ka padin nakaka-move on dun. Malas nga lang nung tao kasi sya yung napag-balingan ng matagal na kinikimkim na sama ng loob mo sa buhay.
Sabi nila, wala raw tayong karapatang manakit. Totoo man yon o hindi, di parin tayo makakaiwas sa pagkakamali.
Bilang tao, likas sa atin ang kasalanan at ang pagmamahal. Sa dalawang bagay na nabanggit, kaakibat ng mga ito ang sakit.