hi, kumusta po?
Maraming salamat sa 1K followers!
Matagal na akong sumubok magsulat, maraming mga drafts ang hindi ko na natuloy. Akala ko, hindi na para sa akin ito kaya huminto ako.
Pero ngayong taon, nagsimula ulit ako kasama ang halos nasa 10 followers ko. Hindi ako masyadong confident no'n kasi ilang beses akong nabigo sa mga nauna kong nilathala.
Pero heto, dinala ako rito. Hindi naman pala nagsara ang pinto para sa akin. May tamang panahon lang para sa lahat.
Ang bilis! Parang kailan lang, 12 years old ako at nagtataka kung bakit walang nagbabasa ng works ko. Parang kailan lang, sobrang imposible para sa akin ng ganitong punto.
Hinihiling ko pa no'n na bigyan ako ng kahit isang reader, ngayon sobra pa ang binigay. Lagi kong tanong kung ano kayang pakiramdam na may natatanggap kang reads, votes, at comments sa stories mo. At ngayon, nararanasan ko na siya!!!
Paano ko sasabihin sa 12 year old self ko na hindi na 0 reads ang stories niya at may 100K+ reads na siya at 1K followers?
Salamat muli! Mahal na mahal ko kayo!
Salamat sa pagmamahal ninyo kina faye, kreil, missy, anton, ysa, jax, blaze, huan, remy, alliyah, jade, zack, at sa lahat ng bumubuo ng around manila series maging sa mga susunod pang characters.
Maraming salamat din sa mga tumulong sa akin upang makita pa ng iba ang mga stories ko!
Maraming salamat sa nagbasa, nagbabasa, at babasa sa mga akda ko! ♡♡♡
Cheers,
rai