@valleysoflove Kung makikita mo 'ko sa pag ikot ng mga pangakong taon ang inabot, Hawakan mo 'ko, Ramdamin mo, Hilahin mo 'kong muli nang maramdaman kong hindi ako mag isang umiikot sa sariling araw na ginawa ko, Nilikhang liwanag sa dilim. Turuan mo 'ko muling tumingin sa buwan at lumangoy sa dagsang liwanag ng mga bituwin. bago lisanin ang muling pag-tatagpo ng mga paningin. Nagbabakasakali na sa hinagap ng hininga, Sa simula ng katapusan at katapusan ng simula mapawi ang pananabik at masambit ulit ang pangangamusta.