Lahat ng kaya ko ibigay binibigay ko. Wala kayo naririnig. Pera ko pera mo, pero pag pera mo, pera mo lang bahala nako kung magbibigay ka sakin kusa. Ano ba naman karapatan ko, nanay lang ako ng anak mo. Nakakasawa masumbatan na wala ako pakelam sa kung ano bilhin mo dahil nga pera mo yan. Pero pag naubusan kasama ako sa mamomroblema kung saan kukuha ng pera panggastos. Nakakapagod magmakaawa na intindihin moko. Pagod na pagod nako. Nakakaubos ng lakas sa pagod. Wala na ko nararamdaman na may pakelam ka sakin. Bahala na. Dapat pinanindigan ko na nung nakaraan na wag ka intindihin, di na sana ko nagpadala sa pasabi sabi mo na bati na tayo. Dahil pag umabot na naman sa gantong sitwasyon lugi na naman ako. Anytime may pwede ka puntahan at kausapin. May kakampi sayo. May magdedepensa para sayo. Wag mo hintayin na kayanin ko na mawalan ng pake tuluyan sayo, sana nga. Para pag umabot tayo sa ganto di nako gano masasaktan. OA na naman? Wala ko pake. Wala ka naman ding pake. Di mo naman mababasa to. Ako lang naman yung halos mamatay na sa sobrang galit ikaw pa-easy easy lang. Nakakapikon, nakakainsulto ka. Bukod sa kasalanan ko sa papa ko, dko alam ano kasalanan ko sa pamilya mo para makatikim ako ng gantong trato sainyo.
Pag wala ka? Wala nko iba marinig kundi puro bulong ng mama mo, dabog ng mama mo. Di nako nagsusumbong sayo, bukod sa wala ka naman pake. Wala rin ako mapapala.
Siguro nga kayo yung karma ko. Siguro nga hintayin ko nalang ano kakalabasan ko sa pakikisama sainyo.