Magandang hapon! May panibago akong istorya. Hindi ito ang una kong pinublish dito sa wattpad at kasalukuyan pa itong on-going.
Kung namomroblema ka na mapansin ng pamilya mo ang mga efforts na ginagawa mo para sa kanila, para bumilib sila sa'yo... maaaring makatulong sa'yo ang kuwentong ito.
Kung nahihiya o namomroblema ka na mag-open up sa pamilya mo kung 'ano' ka talaga. Kung ano ang gusto mo talaga para sa sarili mo... maaaring makatulong ang kuwentong ito sa'yo.
Kung tinatanong mo ang sarili mo kung bakit nga ba hanggang diyan ka lang? Kung bakit pakiramdam mo hindi mo kayang makipagsabayan sa iba? Maari ring makatulong ang kuwentong ito sa'yo.
Kung hindi mo alam kung ititigil mo na ba ang pagmamahal mo sa isang tao. Kung hindi mo alam kung ipaglalaban mo pa ang relasyon niyo... posible ring makatulong ang kuwentong ito sa'yo.
Kung attitude ka, may attitude rin sa kuwentong ito. Hahaha.
Hindi nito literal na matutulungan o malulutas ang mga problemang dinadala mo. But, I'm hoping that somehow this story will make your mind clear... to think positively whatever you're conquering right now. Sa tulong, sa payo at sa kuwento ni Lola Felicidad.
Sana may magbasa! Hahaha. 'Yun lang. Salamat. :)