Oo nga! Kung sa mga critique shops pa lang na nandito sa wattpad o kaya sa fb ay hindi mo na agad matanggap 'yong mga napuna na pagkakamali or negative na critiques sa story mo, hindi ka talaga makakausad niyan as a writer. Paano na lang kaya kung professional na ang nag-critique sa story mo? Eh 'di napanghinaan ka na ng loob lalo at mas lalong nag-rawr, rawr, rawr? Sa una talaga masakit na makabasa ng gano'n pero kung iisipin mong mabuti, tinutulungan ka pa nga no'ng nag-critique na 'yon na mas mapaganda 'yong story mo. Sa pagsusulat, hindi puro magagandang salita at papuri 'yong matatanggap natin, mayroon ding mga masasakit na salita. Kaya kung sa simpleng puna or correction lang na natanggap mo ay magagalit ka na, sorry pero hindi ka talaga magtatagumpay sa larangang pinili mo kung 'yong simple pa lang na pagco-correct, eh hindi mo na matanggap. Hindi mo matutupad 'yong pangarap mong maging published writer. Kaya gusto ko talaga maghanap ng tao na magki-critique sa story ko taz sasampalin ako ng katotohanan HAHAHAHAH! Mas masakit, mas matututo ka. Wala lang, updated lang ako sa tsaa at usapan sa facebook kahit na silent reader lang ako sa mga post HAHAHAHAH! PLEASE, PASAMPAL NGA PO NG KATOTOHANAN BAKA MAYROON D'YANG MAGALING NA MAGKI-CRITIQUE SA STORY KO HAHAHAHAHAH! 'YON LANG! HAVE A GOOD DAAAAY! ♡