rockzwell

"Wag ka nang umiyaaaaak! Sa mundong pabagoooo-bagoooo!"
          	
          	Napahilot ako sa sentido ko habang nakatingin kay Sebastian na nakatayo sa gitna ng maliit na KTV room. Hawak niya 'yung microphone na parang buhay niya ang nakasalalay doon, nakapikit pa, at feel na feel ang pagkanta kahit na wala sa tono. Ang malala, may kasama pang hand gestures na akala mo ay nagko-concert sa isang malaking arena.
          	
          	"Go, Sir Seb! Ilabas mo 'yung sama ng loob mo!" sigaw ni Joey mula sa gilid, pumapalakpak pa habang kumakagat ng lumpia.
          	
          	"I-birit mo pa! Sayang 'yung bayad natin sa oras!" dagdag naman ni Dina, tinataas pa 'yung baso niya ng iced tea.
          	
          	Day off ko ngayon. Dahil nalaman nina Joey at Dina na bati na kami ni Sebastian completely, nagpumilit silang mag-celebrate kami. At ang naisip nilang perfect venue para sa "Reconciliation Party" namin? Isang cheap at medyo madilim na KTV bar malapit sa ospital.
          	
          	Noong una, ayaw ko sanang pumayag. Bilyonaryo si Sebastian. Pero ang siraulo, nagpumilit sumama! Sabi niya, gusto niya raw makasama ang mga "best friends" ko at ma-experience ang normal na hangout namin.
          	
          	At heto nga siya ngayon. Nagwawala sa kanta ng Aegis.
          	
          	"Pag-ibig ko sa'yoooooo, totoo!" sigaw ni Sebastian, sabay turo sa akin sabay kindat.
          	
          	Uminit ang buong mukha ko sa hiya pero hindi ko mapigilang humalakhak. "Upo na nga diyan! Naawa na 'yung TV screen sa boses mo!"
          	
          	Imbes na mahiya, tumawa lang siya at ibinigay 'yung microphone kay Joey bago mabilis na tumabi sa akin sa sofa. Hingal na hingal siya pero abot hanggang tainga ang ngiti niya.
          	
          	"O, kamusta 'yung performance ko, Yam?" proud niyang tanong. "Pang-standing ovation ba? Ready na ba akong mag-release ng album?"
          	
          	"Pang-evacuation center 'yung boses mo," pambabara ko, sabay abot sa kanya ng tissue. "Punasan mo nga 'yung pawis mo. Ang lakas-lakas ng aircon dito pero pawis na pawis ka. Nag-concert ka ba o nag-marathon?"
          	https://www.wattpad.com/story/236834210

"Tumabi kayo! Tumabi kayo!" sigaw ng isang track marshal.
          
          Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Hindi lang basta tulo, humahagulgol na ako habang tumatakbo pababa ng hagdan.
          
          "Oh my god... Moo! Wag naman!" iyak ko habang nakikipagsiksikan sa mga tao.
          
          Ang daming pumapasok sa utak ko. Mga eksena sa teleserye na iniiwasan ko.
          
          "Lord, please!" nagmamakaawa ako sa langit habang patuloy sa pagtakbo. "Wag niyo po muna siyang kunin! Parang awa niyo na! Hindi pa kami bati! Promis po, kapag binuhay niyo siya, one hundred percent na akong bati sa kanya! Kahit araw-araw pa siyang mag-hire ng Hello Kitty mascot, tatanggapin ko na! Kahit araw-araw ko siyang ipagluto ng pancit at tapsilog, okay lang! Wag lang siya mamatay!"
          
          Natapilok ako nang slight pero mabilis din akong nakabawi ng balanse. Wala na akong pake sa itsura ko. Ang dami nang uhog at luha sa mukha ko. Nakita ko 'yung puting tent ng medic team sa dulo. Nandoon nakatambay sina Erick at iba pang staff ng team. Nakayuko sila at hawak ang mga ulo nila.
          
          Lalo akong naiyak. Umiiyak ang staff! Ibig sabihin, patay na siya!
          
          "Sebastian!" sigaw ko nang napakalakas, boses ng isang biyudang naulila.
          
          Nahawi 'yung mga tao sa labas ng tent nang makita nila ako. Walang pumigil sa akin. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng medic tent, ready nang makita ang isang duguang katawan o kaya ay isang puting kumot na nakatakip mula ulo hanggang paa.
          
          "Moo! Bakit mo ako iniwan?!" iyak ko sabay bukas ng kurtina.
          
          Napatigil ako.
          
          Napatigil din ang tatlong tao sa loob ng tent.
          
          Nakatayo sa gitna si Sebastian. Wala siyang dugo. Wala siyang puting kumot.
          
          Nakaupo lang siya sa ibabaw ng clinic bed, hawak ang isang maliit na ice pack na nakadikit sa noo niya, habang 'yung medic ay naglalagay ng isang napakaliit na band-aid sa siko niya.
          
          "Aray naman, kuya. Dahan-dahan lang sa betadine, mahapdi eh," reklamo pa ni Sebastian.
          https://www.wattpad.com/story/236834210

rockzwell

Isang napakalambot at maingat na halik. Walang pagmamadali. Parang tinatanong niya kung okay lang ba ang ginagawa niya. Napapikit ako nang tuluyan at huminga nang malalim. Ang bango-bango niya talaga.
          
          Gumanti ako ng halik. Nang maramdaman niyang sumagot ako, doon na nagbago ang galaw niya. Mas naging malalim ang halik niya. Ipinulupot niya ang isang braso niya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya hanggang sa magdikit ang mga dibdib namin. 'Yung isang kamay niya, napunta sa batok ko, idinidiin ako lalo sa kanya.
          
          Wala na. Nag-shut down na yata ang buong nervous system ko. Nawala lahat ng katarayan ko. Nawala lahat ng kamalditahan ko. Ang tanging alam ko lang ngayon ay ang pakiramdam ng mga labi niya at ang sobrang bilis na tibok ng puso niya na nararamdaman ko sa dibdib ko.
          
          Ibinuka ko nang bahagya ang bibig ko para makahinga, pero sinamantala niya 'yon para mas palalimin pa ang halik.
          
          Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga kamay ko! Sa sobrang panic ng utak ko, napaangat ang mga braso ko at kumapit ako sa mga balikat niya. Tapos umakyat ang mga kamay ko sa buhok niya. Sinabunutan ko siya nang slight kasi hindi ko na talaga alam kung paano i-handle 'yung kilig at kaba na nararamdaman ko!
          
          "Aray!"
          
          Bigla siyang napadaing at mabilis na humiwalay sa akin.
          
          BOG.
          
          Sa sobrang gulat ko sa pag-aray niya, napaatras ako at aksidenteng nag-umpugan ang mga noo namin.
          
          "Aray ko po!" sigaw ko, hawak-hawak ang noo ko.
          
          "Yam, okay ka lang?!" natataranta niyang tanong, hawak din ang noo niya habang pilit na chine-check 'yung mukha ko.
          
          "Ikaw 'yung biglang sumigaw eh! Bakit ka ba umaray?!" inis kong tanong, pinipilit itago ang sobrang hiya. Lord, pwede na ba akong kainin ng lupa ngayon din? Nasa gitna kami ng isang napaka-romantic na make-out session tapos nauwi sa pisikalang sakitan?!
          https://www.wattpad.com/story/236834210

rockzwell

Sabado ng umaga. Nandito kami sa condo niya. Nakaupo ako sa kitchen stool, humihigop ng kape, habang pinapanood ko siyang magluto ng omelet. Naka-gray sweatpants lang siya at walang shirt. Lord, thank you po sa magandang view. Nawa'y pagpalain pa ang mga abs ng General ko.
          
          "Dominic," panimula ko, inilalapag ang mug sa counter. "May malaki tayong problema. Isang crisis na kailangan nating i-address."
          
          Mabilis siyang lumingon, ang hawak niyang spatula ay biglang naging parang armas. Kumunot ang noo niya, ang mga mata niya ay agad na nag-scan sa paligid. "Crisis? May nag-text ba sa'yo? May nagpadala ba ng kahina-hinalang package sa lobby? I'll call Sgt. Morales—"
          
          "Hindi! Walang sindikato!" awat ko, pilit na pinipigilan ang tawa ko. "Kalma ka lang, General. Ang problema natin ay... wala tayong call sign."
          
          Napatigil siya. Dahan-dahang ibinaba ang spatula at tiningnan ako na parang tinubuan ako ng ikalawang ulo. "Call sign? Meron tayo. Ako si Alpha-One, ikaw si... well, you're Civilian Asset Miles."
          
          Napapikit ako nang mariin. Lord, bakit niyo po binigyan ng abs ang taong 'to pero pinagkaitan niyo ng romantic vocabulary?
          https://www.wattpad.com/story/236834201

feliz_navidad32

The long wait is finally over...thank you author kasi ntapos mo yung story ni lucas at addy..i remember 2023 first time ko mbsa ang story nila and since then inabangan ko n at hindi ko binitawan and to the point n nangulit n ako sayo author for the next update and now may ending and im sooo happy. thank you again author at sana mtapos mo din yung kay weston and cleo. God bless

rockzwell

@feliz_navidad32 thanks pov sa patuloy na suporta
Reply