‘Kay taas ng araw,
Na siyang nakakasilaw,
Ngunit ito’y biyaya,
Na ipinagkaloob’t ipinamalas;
Sa nagdaang panahon,
At tatahakin pang mga oras,
Ang noo’y nakakaginhawang init,
Ngayo’y nakakapaso nang pawang apoy.
Ulan na dati’y kay sayang damhin,
Sa lamig na simoy ng hangin sumasabay,
Mainit na sabaw ang siyang hanap,
At masayang gabi nanaman;
Ngunit tila’y pawang kahapon na lamang ang lahat,
Ula’y nakakasira na ng tahanan,
Hindi na tulad noo’y kay sarap lasapin,
Ngayo’y wala nang saya ang mararamdaman.
—Malayang tula—
Ihinandog ni: @runaway_000