samtats

Rides ❤

samtats

Limang gabi, limang gabi 
          Na mas pinalamig ng serbesang
          Tanging nakikinig
          Sa mga hapdi at kirot na nanunuot
          Ako'y kinakain ng lungkot 
          
          Titingala, Lilingon sabay yuyuko
          Sinisisi ang sarili bakit sya sumuko
          Pipikit,hihikbi..luha ko'y tutulo
          Di alam kung paano na ang puso
          
          Pag-ibig mo na walang katulad
          Sa Isang hangal na tulad kong makupad
          Di alintana damdamin mo'y nasagad 
          Kaya ako'y humihingi ng tawad
          
          Kung paglisan ang iyong pinili
          Kung paglayo ang magbibigay sayo ng ngiti
          Kung pag-ibig ng iba ang iyong mithi
          Paghakbang mo palayo ay hindi pipigilan
          
          Pero kapag nag-iba ang ihip ng hangin
          Handa parin kitang tanggapin
          Wala kang salitang maririnig 
          Kundi tibok ng puso kong sayo parin
          
          
          </3