Mahalin mo yung taong ramdam mong mahal ka. Yung pinahahalagahan ka. Yung taong, handang ibaba ang mataas nyang pride para sayo. Yung handang magsorry kahit na hindi nya kasalanan para lang magkaayos kayo. Yung taong kapag nag walkout ka, handang habulin ka. Yung taong kahit naiinis na sa ugali mo di ka pa din iniiwan. Mahalin mo yung taong kahit binitawan mo na, andyan pa din at nananatiling nakakapit para sa pagmamahal nya sayo. Mahalin mo yung taong hindi ka susukuan kahit na topakin ka kase mas angat yung pagmamahal nya sayo kesa sa topak mo. Yung mga may ganyang katangian ang dapat na pinapahalagahan, inaalagaan at minamahal..