Kasagsagan ng pandemic nung nabasa ko yung 2025 Apocalypse. Wala pang RL nun. Bago ko mahanap at mabasa yun, ang dami ko nang nabasang apocalypse stories, pero dun talaga ako natigil. After kong matapos yung 2025 Apocalypse, parang yun na yung huling zombie apocalypse story na binasa ko. Hindi na ako naghanap o nagbasa ng iba. Feeling ko na-trauma yata ako.
Naalala ko pa yung readers nun, parang nasa 75k yung Season 1 tapos mga 45k lang yata yung Season 2. Ako pa naman yung tipo ng reader na kapag alam kong konti lang yung readers, madalas hindi ko na tinutuloy. Pero ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at tinuloy ko pa rin siya hanggang dulo.
Tapos gumawa si author ng RL. Sabi ko noon, babasahin ko na lang kapag tapos na. Fast forward to 2026, ngayon ko lang siya nabasa. Grabe pala yung sakit. Habang binabasa ko yung RL, hindi ko maiwasang maalala kung paano sila unti-unting nawala dun sa apocalypse. Naka-stock ako sa scene ni Kuya Wawie. Jusko. Ang sakit pala talaga.
Pero feeling ko kung nauna siguro yung RL bago ginawa yung apocalypse, baka mas masakit at mas traumatic pa yung experience. Ang ganda ng story, sobra. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on.
Hindi ko na maalala kung 2020 o 2021 ko siya unang nabasa, pero sure akong quarantine yun.