If you’re going through something right now or may mga gumugulo sa isip niyo, please know that you can always share it here. Don’t keep everything to yourself — mahirap ’yong ikaw lang ang nagdadala ng bigat sa dibdib mo. Sometimes, what we need is just a little space to breathe and someone who’s willing to listen. This space is open for everyone.
Kahit ano pa ‘yan — maliit man o malaki — problema pa rin ‘yon. Ang problema ay hindi nasusukat sa bigat o sa tingin ng iba kung gaano kahirap. Para sa akin, ang problema ay problema. Hindi kailangang ikumpara kung sino ang mas nasasaktan o mas nahihirapan. Lahat tayo may kanya-kanyang laban at paraan ng pagharap.
Piliin nating maging mabuti sa kapwa. Hindi porke kaya mo, ay kaya na rin ng iba. Minsan ‘yong simpleng pakikinig o pag-abot ng tulong, malaking ginhawa na para sa isang taong halos sumuko na. Kaya kung may makilala kang tahimik pero parang mabigat ang dinadala, kamustahin mo. Minsan, ‘yon lang ang kailangan nila para makaramdam na hindi sila mag-isa.
Alam ko marami sa atin ang nahihiya magsalita, o ayaw maging pabigat sa iba. Pero gusto ko lang sabihin — handa ako, handa kami makinig sa’yo. You don’t have to face everything alone. Walang masama sa paghingi ng tulong, at walang kahinaan sa pag-amin na pagod ka na. Ang pag-amin na kailangan mo ng sandalan ay isa ring uri ng tapang.
Life can be heavy, but remember this:
Every storm will pass. Every wound will heal. And every struggle, kahit gaano kahirap ngayon, will eventually lead you to strength and wisdom.
So please, be kind — to others, and especially to yourself. Kaya huwag kang susuko. Magpahinga kung kailangan, pero bumangon ulit.
Sa mundo na puno ng ingay at takbuhan, ang pagiging mabuti, marunong makinig, at may malasakit sa kapwa ay isa sa pinakamagandang bagay na maibabahagi natin. Dahil minsan, ang simpleng kabaitan, ‘yon na ang sagot sa pagod ng iba.