Noon marami kaming nagtatalunan sa labas, kanya-kanyang torotot may mga nagpapa agaw ng barya, kendi at chokolate. May mga nag iinumang kapitbahay. May mga nagpapa yabanagan ng bagong damit, laruan at sapatos. Puno pa dati ang fire exit satin, mga batang sabay sabay nanunuod ng fireworks.
Ngayon, wala ng batang tumatalon, walang nagpapa agaw ng barya, walang nag iinumang kapitbahay, walang payabangan ng bagong laruan.
Sa paglipas ng panahon, nagkaroon tayo ng kanya kanyang buhay.
Ang mga bata noon, matatanda n ngayon. May kanya kanyang trabaho. Mas gugustuhin ng magpahinga sa loob ng bahay kesa manuod ng fireworks.
Yung mga matatanda noon, heto, hindi na kumpleto. Yung iba nasa malayong lugar na. Sa lugar na punong puno ng kaligayan.