Oh.my.gosh! Hindi ako makapaniwalang natapos ko na ang Part 2. Meaning, isusulat ko na ang last chapter kung saan POV na ng kung sino man sa kanila. I found a hole na need tapalan ng last chapter. Maybe an opportunity na rin para magkaroon ng linaw sa mga letter nila R.L. and S.R. May mga naiisip na ako.
Sa totoo lang nung sinimulan kong gawin 'tong Paper Airplane, ang initial plan ko ay magiging labasan ko 'to ng random na hinanaing ko sa buhay. Pero nung tinouch ni R.L. yung love (si R.L. na hindi ko talaga pinlanong buuin at maging character), doon na nagsimulang mabuo sa utak ko ang konseptong nabuo ngayon. At ang sakit lang isulat yung last letter which is hindi ko ineexpect na magpapakirot sa puso ko lol.
Napaproud ako sa characters ko at sa sarili ko na natapos ko ang mga letters sa kabila ng bagyong kinakaharap ko lol. (Kung makabagyo akala mo bagyo talaga. HAHAHA). Idunno kung dapat ko bang lagyan ng POV since Epistolary nga ito. So, let's see anong mangyayari sa mga susunod. Pati ako napapaisip kung ano ang mangyayari. HAHAHAHA. Stay tuned!