
sgtsendo
Hi, hello! Andaming kaganapan. Kumusta kana?
@sgtsendo
15
Works
3
Reading Lists
1.8K
Followers
Hi, hello! Andaming kaganapan. Kumusta kana?
Hi, hello! Andaming kaganapan. Kumusta kana?
Magandang umaga sa'yo, Sgtsendo. Nais ko lamang magpasalamat sa iyo. Maraming salamat dahil simula ng mabasa ko ang istorya mong 'Binata Na Si Iris' ay nagkamayroon sa puso kong puwang na magbalik-tanaw muli sa mga alaalang matagal ko nang ibinaon at hindi na kailanman binigyang pansin pa. Marahil ay dulot ito ng pagiging magandang loob ni Iris ngunit namulat ulit ang aking matigas na dibdib sa pagpapatawad at kung papaano ba sumaya. Dahil katulad niya, isa rin akong batang nagmahal sa magandang babae na may malaking agwat na edad, at tulad niya rin ay naiwang luhaan ang aking puso. Nagsimula muli akong hanapin siya at hindi naman ako nabigo, Sgtsendo. Pero katulad din ni Hanna ay masaya na ito sa piling ng iba. Subalit nakakapagtakang kahit hanapin ko sa puso ko ang galit at pait na nadarama rati dahil sa pag-iwan at pananakit niya sa aking musmos na puso ay ni hindi ko na ito mahagilap pa. Natutuwa ako habang binabasa ang katapusan ng istorya mo. Natutuwa akong damdamin ang bigat at saya na inilalabas ni Iris dahil para ko na ring naigagawad ang saloobin sa aking dibdib kahit hindi ko man buksan ang aking bibig. Maraming salamat, Sgtsendo. Lubos akong nagpapasalamat. Inaamin kong hindi pa rin ako nakakausad sa aking una at huling pag-ibig kahit labing anim na taon na ang nakakaraan ngunit ang makita pa lamang ang saya sa mukha niya ay sapat na para maging kuntento ako at maging masaya sa buhay niyang tinatahak kasama ang binuong pamilya. Ikaw sa katauhan ni Iris ang naging dahilan kung bakit umaliwalas ulit ang buhay kong nasubsob ko sa pag-aaral at trabaho. Maraming salamat, Ge.
@asulnakape Ang haba ng mensahe mo, napagod ako. Hehehe. Ngunit, maraming salamat po! :---))
Hi, tapos na po ba revision nung Kissing Ashley?
Salamat po sa kwento ☺️ kahit medyo mapanakit
I’d like to commend you for writing tagalog stories. Bihira lang po kasi sa wattpad na may nagsusulat ng tagalog, lahat taglish. :-)
Mugto pa rin mata ko dahil sa Binata na si Iris. Ang ganda ng akdang nalikha mo author. 100/100 with uhog haha.
nabasa ko AAMP around 2022-2023 pero lammoyun?????? same pa rin vibes nya, calming na mabigat (gets ba shet)
kaye and ethan's unlikely encounter is a must for long-lost-greatest-love girlies
hello dear author, pwede ba magrequest ng special/bonus chapter for binata na si iris? yong happy ending sana heheheh like magkabalikan sila ni angela o kaya magkaroon na sya ng pang forever ganon. heheheheh thanks in advance author ✌️
Happy new year po sa inyong lahat! :---)))
Both you and this user will be prevented from:
Note:
You will still be able to view each other's stories.
Select Reason:
Duration: 2 days
Reason: