Ang haba ng oras na ginugol ko para basahin lahat ng mga pinagpopost ko dito sa wattpad. Nakakamiss din pala, kasi dito ko binuhos lahat ng mga nasa isip ko. 10 years ago, 2015 nung ginawa ko itong account. Napakabilis ng araw. Parang dati lang, highschool ako tapos SHS tapos college. Ngayon working na ako sa Hotel. Daming nangyari sa buhay ko haha. Madalas natatawa at naci-cringe ako sa mga post ko dito pero hindi naman yun masama, bata pa kasi ako nung mga time na yun
First
Talking about him. Hindi ko na papangalanan kasi hindi niyo rin naman kilala at wala na kong pakialam sa kanya. Imagine mo yun buong highschool life mo, isa lang naging crush mo, though may mga boys din naman sa highschool life ko ang nagpakilig sa akin pero walang tumabla doon kay "him" pagdating talaga sa highschool heart ko. Grabe pagka-inlove ng babaeng to sa lalaking yun na kahit hindi niya nakikita noon, naiisip niya pa rin siya at pinapaniwala na sila ang end game.
Sobrang taas ng confidence niya kaya natatawa na lang ako sa sarili ko during those days. Hindi ko yun pagsisisihan kasi alam ko naman sa sarili ko na genuine yung feelings ko para sa kanya. Yung tipo ba na kapag naging kami, hindi ako kailanman gagawa ng kahit anong ikasasakit niya. Ganun katindi ang feelings ko sa kanya noon. Naisip ko baka obsession na tong naramdaman ko sa kanya noon Pero wala na akong kahit anong pakialam sa kanya kasi wala na akong kahit anong emotion pagdating sa kanya. Ngayon ko lang ulit siya napag-usapan ng sarili ko HAHAHAHA. Ngayon masaya na ang puso ko, pati na rin yung kanya. So that's it. Yun ang end game namin dalawa ni "him"