shenvrknwsbst

I think I'm gonna write again

shenvrknwsbst

Masarap ang umibig. Masakit na masarap. Ang bawat ngiti sa labi. Ang bawat halakhak sa tuwing nagku-kwentuhan. Bawat titigan. Bawat lambingan. Haplos ng mga kamay. Kay tamis na mga tagpo. Halos baligtarin ninyo ang mundo ng bawat isa sapagkat ganoon ninyo kamahal ang isa't-isa. Ngunit kayo ay naghiwalay. Mapait ang iyong nalalasahan ang bawat bigkas mo ng kanyang pangalan. Mga luhang tumutulo sa tuwing iyong naaalala. Kirot sa puso habang ikaw ay nag-iisa. Hinihiling na sana  hindi magkrus landas ninyong dalawa. Nagsusumigaw ang bawat pangungusap sa iyong mga mata. "Putangina. Masakit talaga." Panaghoy ng puso mong sugatan. Kahit gaano mo isipin kung saan ka nagkamali ay wala kang mahanap na dahilan. Ibinigay mo ang langit sa kanya ngunit ibinagsak ka lamang sa impyerno. Nandoon ka, nagliliyab, napapaso, nagsusumiklab. Habang ang taong iyon ay nasa ulap. Kasama ang isang anghel na kung maturing niya ay isang pigurin na babasagin. Dalawang salita mula sa iyong bibig ang narinig "Mahal kita." ngunit ang iyong inaalayan ng mga salitang iyan ay nasa ulap, hinahaplos nya ang isang mala-anghel na mukha. Nagdurugo, nawawasak, nadudurog ang puso mo. Hindi mo mawari kung paano mo tatagpian ang mga lamat. Kahit ang iyong paghinga ay hindi mo maabot. Nakakahingal. Nakakapagod. Nakakaubos. Tinibayan mo ang iyong loob. Hindi maaaring ganito. Unti-unti mong pinulot ang mga piraso ng basag mong puso. Kahit sugatan ka na ay pinili mong masugatan ulit. Unti-unting naghihilom ang mga sugat. Natutuyong mga luha sa iyong pisngi. Halos masabi mo sa sarili maayos ka na ay saka siya babalik. Doon mo mararamdamang "Putangina. Masakit pa rin pero hindi na ganoon kalalim." Oo minahal mo sya. Oo mahal mo sya. Oo mahal mo pa rin sya pero tama na. Tumigil na. Bitaw na.

AngelicaMarieFujita

@realprettysunshine05 so tragic love stroy  i feel the pain while reading it 
Reply

acusxiiann30

helloooooooo po ~ Ako ay hindi pabebe girl dapat kilala mo ako. hahaha! ayan ha hinanap kita xD uunahin ko bsahin mga stories mo bago sa iba. Hahaha. Maria loves you xoxo

shenvrknwsbst

@acusxiiann30 ang sweet mo. Hahahahaha. Salamat pooooooooo.
            
            PS. Mark loves you too. Hahaha. I love you more. <3
Reply