shrimpcage

Pansamantala ko po munang inunpublish ang DBFFOC para irevise at mas pagandahin ang story. Ibalik ko po ito sa susunod. 

shrimpcage

Since I almost reach 100 ffs in Wattpad and almost 1k ffs in Facebook, I want to tell this. 
          
          I treasure you all. Though, there's a part in my mind assuming na kaunti lang sa mga nandito ang mga taong sumusuporta sa akin. [Mataas talaga ang trust issues ko, Patawarin. Pero kung genuine ka naman talaga, mahal kita!]
          
          Also, writing isn't my first neither second, or third priority. Gustuhin ko man itong maging priority pero hindi pwede. Dahil isa na po akong ina, at maybahay. 
          
          Pumapasok na sa school ang anak ko [kinder], and full-time ang asikaso ko sa asawa ko, dahil nakatira kami sa site kung saan siya nagtatrabaho. 
          
          Pero hindi ko pa rin naman sinusukuan ang pagsusulat. Kasi bukod sa mahirap labanan ang malawak na imagination. May pangarap pa rin naman ako sa buhay. Gusto kong maisalibro ang mga magagawa kong books, at mahawakan ang mga ito. 
          
          Ang totoong mahirap para sa akin ay ang tamang paghahati ng oras dahil kahit anong gawin kong pagma-manage natutulad lang din siya sa mga outline na nagagawa ko HINDI NASUSUNOD (haha). 
          
          Kaya sorry to disappoint all of you kung hindi ko maisa-ayos ang mga story ko. Buo naman na ang main plot ng story ko. Sadya lang na nara-ranout ako ng mga eksena tuwing gumagawa na ng chapters. Mag-e-end up din siya sa hindi magandang resulta. May times pa na lumilihis ng sobra sa kasunod na eksena. 
          
          Sorry everyone. Sobrang thankful ko na patuloy ang pagsuporta ninyong lahat, kaya nahihiya ako sa inyo dahil hindi ko iyon magawang masuklian. 
          
          Nakakaumay man ang words na ito pero SUSUBUKAN KO. Susubukan ko pa rin na mahandugan kayo ng maayos na story na ikatutuwa, ikalulungkot at kapupulutan niyo ng mga aral. 
          
          Kinakailangan ko lang siguro talaga na makahanap ng maayos na tiyempo, kung saan bukas din ang isip ko, at walang magiging istorbo. Kundiman, makahanap ng mas marami pang inspirasyon.
          
          Hiling ko na sana, patuloy pa rin kayong sumuporta kay Hawlang Hipon aka ZM. Maraming salamat muli, mag-ingat kayong palagi and God bless. ✨