Chapter 4 of "OUR HEART'S DESIRE" has been published !
https://www.wattpad.com/story/374764383?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=story_info&wp_page=story_details_button&wp_uname=shushiixme
------------
Inabot kami ng hapon dito sa may school garden dahil na-extend ng buong araw yung meeting ng faculty — nalaman namin na pinagmemeetingan nila yung university clash event na mangyayari next month na kung saan yung event na sinalihan namin ay para doon — so basically hindi rin nagkaroon ng klase. Ilang mga drawing na rin yung nagawa namin hanggang umabot sa puntong nasawa na kami sa ginagawa namin. Kahit si Chino ay ‘sandamakmak na yung nagawa, of course with the help of Pinterest dahil hindi niya talaga forte yung pagguhit. Gagawa pa sana kami ng isa pang drawing nang biglang bumuhos yung ulan.
'Ang malas!' Bulong ko sa aking sarili nang narealize ko na wala pala akong payong.
Niligpit na namin ni Chino yung mga gamit dahik sa takot naming mabasa ito, at naghintay kami na humupa yung ulan. Inabot na kami ng isang oras at lumakas pa yung bugso nito lalo, kaya mas lalo akong nainis. Malayo pa naman rin yung uuwian ko, at dahil iniisip ko rin yung sitwasyon ni Chino, ay tinanong ko naman siya. “Huy Chi, paano na yan? Ayaw tumigil ng ulan.”
He undressed himself from his jacket, leaving him only in his white uniform. “Well wala tayong choice. May naisip ako pero do you trust me ba?” He asked. Mukha naman siyang seryoso kaya I don't think may ipupull siyang biro this time.
“What? I asked. Hindi ko marinig yung boses niya dahil sa lakas ng kulog. Nanginig lalo yung katawan ko sa takot.
He came closer and made his voice louder. “Sabi ko, do you trust me?”