Hello, everyone! Finally, published author na ako! Anyone interested na bumili ng book, just send me a PM.
:
: -
:
-
Start on September 01, 2024 to September 30, 2024
Loreigna Miguel, anak ng isang business tycoon. Laki sa luho at nakukuha lagi ang gusto—well except sa puso ng lalaking nagugustuhan niya.
Mula nang magdalaga ay naging pantasiya niya ang barkada ng kaniyang kuya na si Dr. Lance Valdez, isang veterinary. Kaya kahit wala siyang hilig sa pet ay kumuha siya ng alagang aso, para may dahilan siya sa madalas na pagpunta sa clinic ni Lance. Ngunit kahit nagawa na niya ang lahat ng pagpapapansin hindi talaga ito tinatablan sa kaniya. Batang kapatid lamang ang tingin sa kaniya ng binata kung kaya naman sa labis na pagkagusto rito ay gagawa siya ng desperadang hakbang upang maangkin ang lalaki. Pipikutin niya ito.
Plinano niya nang maayos ang gagawin niya at kung kailan feeling niya ay successful ang ginawa niya ay nagkamali siya. Sa halip na ang lalaking pantasiya ang makikita kinaumagahan, si Bjorn Delmar, ang lalaking labis na kinaiinisan niya ang bumungad sa kaniyang tabi.
Oh, no!
She made the biggest mistake of her life.
She spent the night with the wrong man.
:
: -
: