simplengbebeng

hindi nambabastos o binabastos ang panitikan. kung nagsusulat ka ng walang halong sining at dunong, kung nagbabasa ka ng walang inaasahang sining at dunong, kung hindi ka naghahanap ng buti o nagnanais magbigay ng buti, wala kang karapatang mang-uri kung ano ang bábasahin at hindi.
          	 #hakdog

simplengbebeng

hindi nambabastos o binabastos ang panitikan. kung nagsusulat ka ng walang halong sining at dunong, kung nagbabasa ka ng walang inaasahang sining at dunong, kung hindi ka naghahanap ng buti o nagnanais magbigay ng buti, wala kang karapatang mang-uri kung ano ang bábasahin at hindi.
           #hakdog

simplengbebeng

hindi ko alam kung anong nakalilito doon. kung hindi publishable at pasok sa standard, hindi iyon lit. draft pa lang. kaya wag magtaka kung ang tingin ng iba ay basura.
          
          ano ang publishable? ano ang lit? baka gusto mong itanong muna kung may rules sa pagsasalibro. may pamantayan ba sa publikasyon? may halaga ba ang literatura?
          
          kung para sa iyo wala, huwag ka nang makipagtalo. dahil hindi mo alam kung ano ang punto.
           #tothemoon

simplengbebeng

simplengbebeng

Because it's love that conquers all.
Reply

simplengbebeng

Inialay ko'ng kaligtasan
          para sa ikahihimbing ng gabi
          Hinayaan kong katawan ko ang pagpiyestahan ng mga halimaw
          at isip ko lamang ang ululin ng mga bangungot
          Impit ang aking mga palahaw,
          puri ko lamang ang biniyak
          at puso ko lamang ang dinurog
          
          Ina mong alay sa pagdiriwang
          binulaklak sa sariling puntod
          
          – Simpleng Bebeng
          20230927, 21:47
           #kalayaan

simplengbebeng

no'ng kabataan ko hati ang binabasa ko. may dalawa kasing uri ng literatura na makikita at mababasa. isang rekomendado ng edukasyon sa loob ng eskuwela, at isang matutunan mo sa sosyedad. magkaiba pero magaganda sa kani-kanilang paraan. ang problema kasi sa mga kritikong pangit lang ang nakikita o laging napapansin, hinuhusgahan nila ang mambabasa na para bang isa lang ang kalyeng alam ng mga ito kahit maraming dinaraanan. ang ganitong kritiko ang limitado ang kalyeng alam dahil lang doon nila napapansing maraming dumadaan.
          
          dumating din ako sa puntong humusga ako sa ilang babasahin (at na-HB sa manunulat ng mga ito). at nangyayari ito sa mga panahong nakatagpo ka ng babasahing hihigitan ang nalalaman mo, na magdadala sa iyo sa ibang antas ng pagkamulat. ang nais mo talaga ay iparanas sa iba ang kakaibang antas na iyong naranasan, masaksihan ang gandang iyong nasaksihan. yong hindi magkakasya lang sa black and white dahil nakita mong maganda ang ibang kulay. 
          
          ngunit sa paulit-ulit na negatibong kritisismo at nakita mong walang buting idudulot, kailangan lumawak ang iyong pang-unawa at humanap ka ng paraan ng pagpapakilala na hindi magdudulot ng hidwaan o dibisyon. wala kasing kagalingan sa panghahamak ng isa para lang ipakitang mas magaling ang isa. 
          
          at sa totoo, hindi minamadali ang eksplorasyon, mas nakawawalang-gana ang pinipilit. huwag mong asahang magbasa agad ng nick joaquin o bienvenido lumbera ang pinag-aaralan pa lang ang ibong adarna.
          
          marami pang aspetong kailangang pansinin at pataasin kung nais nating maging malawak na mambabasa ang kalakhang Filipino. wala sa mambabasa, manunulat o libro ang mali kundi nasa ibinabahagi at natututunan. hindi masama ang salita kung gagamitin sa mabuting layon at paraan.
          
          be.
          20240523
          20240524 (edited)
          

simplengbebeng

Nangarap ka na ba?
          
          Ako, pangarap kong maging manunulat,
          isang magaling na manunulat,
          isang manunulat na magtataas ng bandila ng bansa
          at magbibigay inspirasyon sa mga mamamayang Pilipino;
          isang manunulat na babasahin ang akda ng kahit sino
          at ang mga akda'y bebenta nang marami,
          gagawing anime series o pelikula,
          at magtatamo ng gantimpala't pagkilala;
          isang manunulat na kikilalanin 'di lamang sa bansa
          kundi sa buong mundo.
          
          Pangarap na mataas,
          abot-langit,
          maraming dapat pagdaanan at akyatin bago maabot.
          Matrabaho,
          kakain ng malaking bahagi sa buhay ko.
          
          Sa mundong materyalistiko ito ang naging kalaban ko.
          Sa mundong popularidad at yaman ang sukatan ng pagkatao,
          sa mundong ang walang kagalingan, kababawan ang pinauuso,
          sa mundong sunud-sunuran sa lipunang mahilig mantabon ng talino,
          pinangarap ko ang pangarap ng mundo.
          
          Nangarap ka na ba?
          
          Noong natuto akong magbasa,
          nakatagpo ako ng mga kuwentong humubog sa 'king pagkatao
          at nagbigay ligaya sa munti kong buhay, 
          nakakilala ng mga taong kalaban ng diablo sa mundo,
          kalaban ng pagkaapi,
          kalungkutan
          at pagkatalo.
          
          At nang makilala ko sila,
          nakilala ko ang pagsusulat.
          Ang sabi ko, gusto kong maging gaya nila,
          makapagsulat ng gaya ng mga isinusulat nila.
          Gusto kong maging superhero
          gamit ang papel at panulat ko,
          gusto kong magbigay ligaya
          at lakas sa mga mahihinang gaya ko.
          Gusto kong maging gaya nila,
          maging kasinggaling ng mga manunulat na nilamon 
          kung sino ako.
          
          Sa mundong puno ng insekyuridad ito ang naging kalaban ko. 
          Sa mundong tákot ang humuhulma sa pagkatao,
          sa mundong ang manakit at mang-apak ang pinauuso,
          sa mundong nagpapaalipin sa kapangyarihan at kagandahan ng ibang tao,
          pinangarap ko ang pangarap ng mundo.

simplengbebeng

Nangarap ka na ba?
            
            Noong natuto akong magbasa at magsulat,
            nangarap akong maging manunulat,
            nangarap maisulat ang nais kong isulat,
            nangarap maging isang libro ang aking isinusulat,
            nangarap na mabasa ang librong aking naisulat.
            
            Pagkatapos pinangarap ko ang pangarap ng mundo.
            Hanggang ngayon, 
            hindi ko pa nabubuo ang akdang
            gusto kong isalibro.
            
            "Pangarap ng Mundo"
            sb, Marso 27 2017 #SWPactivityMgaPagsuboksaOutsideWorldngPagigingManunulat #TINTAe
Reply

simplengbebeng

some people are happy with money
          some people are happy with love
          whichever makes us the most happy
          that's what we always grab
          some people are happy with travels
          some people are happy with things
          but nothing makes us freer
          than to follow our dreams
          
          sb
          1353
          102823