Tuwing tinatanong ako tungkol sa aking sarili. Ang lage kong sinasabi: MABAIT akong tao. Tama! Mabait naman talaga ako, lalo na pagtulog.

Isa po akong simpleng tao na may simpleng pangarap sa buhay at isa sa mga pangarap ko ay ang makapagsulat ng kwento na hindi ko naman alam kung paano susulatin kaya naman po nagpapasalamat ako sa nakadiskubre ng Wattpad. Wala man po akong talento sa pagsusulat subalit nais ko pa rin pong subukan ang bagay na ito.

Tulad ng sinasabi ng iba: Hindi ako perpektong tao. Sa katunayan, lage akong lumalabag sa batas trapiko, hindi tumatawid sa tamang tawiran, hindi sinusunod ang tamang pagbubukod ng mga basura at nagsusulat sa pader ng kung anu-ano minsan. Kaya humihingi po ako ng pasensya at konting pag-unawa sa aking mga pagkakamali sa pagsusulat tulad ng maling gamit ng salita at iba pa.

Ako po ay nag-aral ng 'medyo' mabuti, nagtapos, tumambay, nagtrabaho, bumitiw sa trabaho, at sa kasalukuyan... tambay ulit. Iginugugul ko ang aking oras sa pagbabasa, panunood at pakikinig ng mga bagay bagay na nakakapukaw ng aking interes.

Kung may nais po kayong itanong o malaman, wag po kayong mag-atubiling ipaalam sa akin ang inyong katanungan. Maaari nyo po akong tawagan o padalahan ng mensahe sa numerong ito: 0918**4***5. Salamat! (^_^)
  • metro manila
  • JoinedNovember 2, 2012