sleepyheadwelyyy

CHAPTER 11 OF MIDNIGHT RAIN IS UP!
          	
          	Dahil hindi ko na mapigilan at alam kong dehado itong si gago tinawag ko na siya. “Hoy, Shannon tara na nga para kang gago diyan! May ipapasa raw.” Hinigit ko na siya roon sa kumpulan at ilalayo sa lalaking iyon. 
          	
          	Napiglas pa si gago pero wala siyang kawala sa akin, napaka kulit akala mo naman kayang kaya niya iyan. Napakayabang!
          	
          	“Ano bang pumasok sa kokote mo at naghahamon ka nang away? Sira na ba ang utak mo? Kita mo ang laki ng katawan parang akala mo bouncer, tsaka alam mong wala kang kalaban laban doon.” 
          	
          	Kita mo sa mukha nito na galit na galit, pikon na pikon pero liit liit naman mas malaki talaga iyong taga ABM. “Siya naman nagsimula par, tangina niya pinatos ba naman ‘yung chicks ko. Wala man lang bro code. Nung tinanong ko bakit, alam mo sabi?” 
          	
          	“Ano?” Pagtatanong ko rito. Pa suspense pa si gago.
          	
          	“Ang sabi niya lang naman sa akin sa siya raw ang nagustuhan at iyong babae ko naman daw ang lumapit. Tapos sabi niya sino ba raw siya para tumanggi kaya pinatos niya. Mas kumulo ulo ko nung sinabi niyang mas magaling pa raw siya sa akin kaya lumapit sa kanya iyon, baka raw kasi nagsawa na sa akin si shantell. Tangina niya kamo sagad.” Gigil na gigil si gago.