Bawat tao ay may storya, mula sa kwentong buhay hanggang sa iba't ibang kategorya. Ang kaso madalas nga lang ay drama, di na rin kasi mawawaring likas na ang samu't saring problema sa bawat indibidwal e. Kaya ayun tamang drama lang, iyakan tuwing 3am ganurn.
Nandyan din syempre ang komedya HAHAHA umamin ka kahit madalas ka mag drama o hindi sumasaya ka parin kahit papaano. Ang kaso kasi minsan di mo na natutuunan yun ng pansin, hmmm ang dami kayang masayang bagay sa mundo mag obserba ka nga lang sa hallway tapos may nakita kang nadapa tatawa ka talaga. Oh hindi ba! EPIC! pero sa parehas na pagkakataon nakakatawa din naman kahit papaano.
Tapos dadating yung paborito ng halos lahat ng kabataan, yung romasya! Mwehehe tamang puppy love lang at ihi sa pantog pag nagtama ang mata nyong dalawa ng taong hinahangaan mo. Ayieeeee kung nakakabuntis lang ang kiligin ilan na kaya ang anak mo?
Tapos ano pa ba? Ay oo horror! Di lang naman eto tuwing nobyembre minsan biglaan kahit summer. Yung tipong takot na takot ka kasi baka may mahalagang bagay o tao na mawala sayo. Hindi naman kasi yung spiritual churvaness ang tunay na nakakatakot e, ang tunay na nakakatakot ay yung realidad na mismo.
Aksyon at kababalaghan? Complete package na yata ang buhay ng isang tao. Hindi bat aksyon na rin yung may pinaglalaban ka? Oops di pag ibig ha, i mean mga pangarap, prinsipyo at karapatan yan naman yung dapat natin ipaglaban talaga e.
Misteryo, ah oo nga pala. Kahit naman kasi ano maging dyanre ng kwento ng buhay natin di mawawala yung misteryo. Pano ba naman kasi sino ba naman kasi ang makakaalam ng hinahaharap e.