Hi guys! It's been a while since huli kong paramdam hehe. Medyo naging busy kasi sa course and acads. Medyo hirap pa sa adjustments and pag-balance ng time kaya medyo naging inactive. Sorry for that.
Everyday naman akong nagche-check ng updates and interactions ng story ko and nakakatuwa lang kasi patuloy ang pag-grow ng reads and votes ng story ko. Despite na hindi naman ganoon kaganda and kapulido ang gawa ko, nakakataba lang ng puso kasi may mga matitiyagang readers pa rin ang pinipilit basahin at tapusin ang kwento ko. Maraming salamat sa inyo. Kayo ang dahilan kung bakit buhay pa rin ang kwento ko hanggang ngayon.
Sinulat ko 'to kasi gusto kong ipaalam sa inyo na nababasa ko 'yong mga request niyo for a special chapter na pinangako ko rin naman para kahit paano ay maibsan 'yong lungkot or sakit na naramdaman niyo dahil sa naging wakas ng kwento. Susulatin ko na siya this month so hopefully, mai-post ko na siya anytime soon this month para sa inyo. Sorry kung medyo natagalan hehe.
Muli, gusto kong magpasalamat sa inyo. Salamat sa mga nagtatanong kung maayos lang ako. I would like to take this opportunity rin para sabihin sa mga aspiring writers out there na huwag kayong matakot magsulat. Huwag kayong titigil kahit maraming humahadlang sa inyo. Sulat lang nang sulat. And to all the readers, let's be responsible readers. Let's show respect and love towards each other.
May nagsabi sa akin nito, "Padayon!" Gusto ko rin itong sabihin sa inyong lahat. PADAYON!❤️