MariaEljey

Magandang hapon, teffiyiyi
          
          Maraming salamat sa pagboto at paglalaan ng iyong oras upang basahin ang aking akdang El Gobernador-General De Mi Corazón. Stay safe and God bless you more. ❤️
          
          Nagmamahal,
          LovelyEljey

MariaEljey

 Magandang hapon po sa iyo, Binibining @teffiyiyi ( ╹▽╹ )❤️
            
            Ibig ko pong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sapagkat naibigan mo ang kabuuang kuwento ng El Gob. Masaya rin akong mabatid na sa kabila ng mga pagkakamali at kapintasang ipinamalas ng mga tauhan ay minahal mo pa rin sila. Maligaya rin po ang aking puso sapagkat nakapagbigay-aliw, kasiyahan, at tuwa ang aking akda sa kabila ng mga suliranin at pandemya na ating kinakaharap. Marahil kaya walang nagtatangkang sumulat ng masayang wakas sa ibang mga historical fiction na iyong nauna mo nang nabasa ay sapagkat ibig lamang ng mga manunulat na ipakita ang realidad ng buhay. Na may mga pagkakataon talaga na walang masayang wakas para sa ibang tao. Marahil ay may ibang nilaan ang Panginoon para sa mga tao na may malungkot na wakas. Subalit may mga tao pa rin na deserve ang magkaroon ng masayang wakas sa kabila ng mga mapait na kanilang pinagdaanan sa buhay. Muli, maraming salamat. ❤️❤️❤️
            
            Nagmamahal,
            Senyorita Maria (✿ ♡‿♡)❤️
Reply

steffayaye

@LovelyEljey  hello po ilang buwan narin since ng nabasa ko ang El Gobernador-General De Mi Corazón at ngayon lang po ako nag karoon ng time para masabi na sobrang ganda talaga ng story na to at worth it talaga sya basahin napaganda po talaga ng storya nya natutuwa po ako dahil ito po ang kauna unahang historical fiction na nabasa ko na sobrang natuwa ako sa ending ng story kadalasan kasi naiiyak ako sa mga nagiging wakas kaya simula ng nabasa ko itong story na to ay sobrang saya saya ko talaga kaya sana po ay mag karoon po uli ng historical fiction kung mag kakaroon may ay aabangan ko po talaga god bless you po po take care always❤
Reply