Pagkalipas ng ilang minutong pakikipagtitigan sa screen, wala pa rin akong maisip na lead.
Formulas sa Management Accounting Services, Tax Rates, Audit Process na ang bawat hibla ng utak ko. Malay ko rin kung i-pa-publish ko rin lang ito kapag natapos.
Kasisingit: Hindi ko pinublish.. Baka burahin ko rin lang.
Tinanggal ko noon lahat ng personal websites ko gaya ng blog dahil nagdesisyon na akong hindi na mag-po-post. May mga nakita lang akong masakit sa mata.
*Kung gagawa ng tips /writing tips/ huwag na pakialaman ang author's note. "Kapag gagawa ng author's note dapat ... blah blah." Aba matindi! Dude, are you crazy?
*"Huwag na mag english kung hindi kaya ... blah blah." Aba mas matindi! Naka benteng iling ako. Dude, huwag kang magbigay ng advice na mag-di-discourage. Bata, raw talent, willing absorber ang mga makapagbabasa ng mga advice mo.
Normal naman magkamali sa pagsusulat. Isa sa pinaka successful book series ang patunay ... sa unang libro ng serye mapapapikit ka sa mga lantad na bad grammar (english ang book, first language niya rin ang English at with Literature degree ang writer). Sa last installment ng series malinis na yata sa bad grammar. Ingles na ang first language niya at nagkaroon pa rin siya ng mga pagkakamali. Pati akong tagalog ang kinagisnan nalilito rin sa first language ko. /gaya ng sinadya kong bad grammar sa loob ng parenthesis. Dapat RIN NIYA. see the point?/
**"Bitin ang ending ... blah blah ... dapat blah blah." Dude, nagresearch ka ba kung paano magsulat ang binibigyan mo ng critique? Paano kung style niya yan? Paano kung style na niya binabago mo? Natakot ako sa salitang DAPAT na yan, e. Nakahawak ka na ba ng kakapanganak (LOL!) na itlog? Malambot iyon at madaling mapisa. Ingat. (Bakit ako natatawa habang tina-type ito?? BAHAHA)