storythinking16

oo naman hindi ako gigive up hahaha wala kasi akong magawa ngayon summer kaya nagsulat ako :) hindi po ako serious jologs po ako lol. HAHAHAHA salamat talaga :)))))))))

celsochan

Page 2
          
          Ang pinaka-delikado sa lahat ng chapter hindi yung gitna, di yung climax, di yung ending, di yung nagkabalikan yung mga bida or natuloy na ang sex. Kundi yung first 1-2 chapter ng isang Istorya. Hanggang dito lang kadalasan ang binabasa ng mga napapanot na Editor at bibigyan ka na nya ng husga kung tanggap o hindi ang gawa mo. Sa wattpad naman ito ang mag dedetermina kung babasahin at susubaybayan ng reader ang gawa mo o hindi. Ang first 1-2 chapter, ito ang ating pain sa ating pamingwit kung makaka-kuha ka ng reader o hindi. Sa experience ko, pag binasa ng Editor ang First chapter at dina ipinagpatuloy umuwi ka na dahil wala ka ng mapapala. Pag nagtuloy sa chapter 2 medyo 50/50 pag umabot sya ng chapter 3 makakahinga ka na dahil didiretso ka na sa payroll.
          
          
          
          Una sa lahat gumawa ka muna ng Skeletal plot na magiging gabay mo throughout youre whole story. Saka ka na mag singit ng iba. Di ka makakagawa ng plot kung wala kang inspirasyon... Di yung crush mo sira! hehe! Ang Inspirasyon ay nakukuha natin sa paligid, nakikita, at naririnig at sa mga nakakasalamuha natin sa pangaraw-araw na buhay.
          
          Teka masyado ng mahaba hanggang dito na lang muna saka na ang update! Vote! Comment! be a fan! hehehehe! Wattpad lang ang Peg!
          

celsochan

Page 1
          
          Ok! Since nasimulan ko na lubus lubusin na natin, Here's my experience sa pagsusulat, isa pala ako sa mga nagpa-part-time na magsulat ng mga love story sa ilang kumpanya na kinahihiligan ng marami "Pocketbook". Ayokong ilathala ang ilan sa aking obra dito sa wattpad dahil una sa lahat di ako kikita.
          
          So, heres my experience everytime I submit a novel to our editor at ito rin ang mga natutunan ko sa aking pagsusulat. Walang pinagkaiba ang pag submit sa tunay na editor at pag submit ng iyong obra sa mga reader dito sa wattpadd. Teka meron pala, sa Editor Sosoplakin ka agad ng salitang "Ang pangit" in your face! Ouch! Ni di ka man lang mabigyan ng dahilan kung bakit nya nasabi yun. Dito sa wattpad medyo mabaitbait pa yung ibang reader. Tse! Peace!
          
          Medyo na touch ako sayu dahil halos lahat ng Istoryang mabuksan ko sa wattpad na ito nakikita ko ang itlog na avatar mo na nag-a-anyaya na bilhin ang iyong panindang istorya. Naingganyo tuloy akong buksan. Ng, mabasa ko na, bigla kong naalala yung sarili ko nung una akong gumawa ng Istorya na unang page palang ang nababasa ng napapanut na editor na mukahang manyakis eh ibinalik na sakin, sabay sabing "Ang Pangit" with matching nakakunot na mukha na parang nakatapak ng tekla! walang plot basta sulat lang sulat. since nakita ko naman na open heart ka at sabi mo i-e-edit mo yung gawa mo, I'll share something.
          
          Continue....
          

celsochan

Don't give up ha, aabangan ko lagi story mo, kasi i love it! nakikita kong serious person ka, ayun sa mga chracter na ipi-no-portrait mo. hehe! basta sulat ng sulat... if need help, tulungan kita. Like some stories na na-publish na.