hindi na kita crush, four years na ba 'to ang tanga ko naman kung oo, naka move on na ako ilang beses na, as in legit, may closure na ako sa sarili ko, okay na ako, healed na, independent na, strong na, ay wait bakit ikaw na naman, bumalik ka na naman sa utak ko wala ka bang ibang pupuntahan, pero okay lang kasi sanay na ako, cycle na 'to eh, move on tapos ikaw ulit, paulit-ulit, parang walang character development, pero sige tatanggapin ko na lang, baka ito na talaga personality ko, ikaw, ikaw lang, nakakainis ka, hindi mo naman alam na hawak-hawak mo puso ko na parang wala lang, ang unfair mo naman, ikaw chill lang tapos ako ganito, pero okay lang kasi hindi mo kasalanan, kasalanan ko to kasi hindi ako marunong tumigil
oo na kahina-hinala na nasa wattpad ako pero wag kang mag-isip ng kung ano, hindi kita pinagpantasyahan sa nakakakilabot na paraan ha, hanggang kilig lang ako, wholesome lang, parang tanga lang na ngingiti sa wala pag naalala ka, ganun lang
tapos eto pa, ba't parang umaaligid na naman sayo yung mga babae na yan, grabe ah ang dami mong options tapos ako eto naka-loop sa'yo for four years, ang daya naman, pero wala naman akong karapatan magselos so tahimik lang ako dito, observer lang sa gilid, minsan iniisip ko kung napapansin mo ba ako kahit konti, kahit saglit, kahit accidental lang, pero okay lang kahit hindi, sanay naman na ako maging invisible sayo
kahit madalang lang kitang makita, okay na ako dun, sapat na yun, yung makita lang kita sa malayo, kahit hindi tayo mag-usap, kahit hindi mo ako kilala, buo na araw ko, parang ang babaw pero wala eh ganito ako pagdating sayo, konting glimpse lang tapos okay na ako buong araw, ang dali mo akong pasayahin nakakainis
so ayun, hindi na kita crush, naka move on na ako, this time final na talaga, pramis na, last na to, wala nang balikan...
- JoinedDecember 25, 2025
Sign up to join the largest storytelling community
or
Naiinis ako sa sarili ko kasi dati hirap na hirap akong humanap ng story na makakakuha ng interest ko, ngayon naman eh naiinis ulit ako kasi nahanap ko na ang hinahanap ko pero hindi ko maiwasang i-b...View all Conversations
2 Reading Lists
- Reading List
- 5 Stories
- Reading List
- 2 Stories