sugarkeix

yeppiee!!! happy 2K reads, BIA! TvT

sugarkeix

Hi… just sharing a little update about my story “Accidentally Caught in His Secrets.” ☹️
          
          While nire-revise ko siya, napansin ko na yung simpleng pagbabago sa Chapter 3 (“Exiled from the Mansion”), yung part kung saan pinalayas si Aiah ni Lola Natasha, parang nagkaroon ng malaking impact sa buong flow ng story ko.
          
          Dahil doon, napaisip ako na ayusin pa lalo yung story. So ayun, may mga scenes na kailangan kong tanggalin, at meron ding ilang characters, lalo na yung ibang antagonists, saka si Joaquin at Jett (mga twin brothers ni Aiah), na hindi na masasama.
          
          Medyo nakakapanghinayang at nakakalungkot lang sa part ko bilang author, kasi kahit papaano na-attach na din ako sa mga characters ko. Especially si Jett
          
          Almost a year ago na kasi din 'tong story na hindi ko na-edit agad, kaya may ibang part sa character ko na nakalimutan ko na ang role nila. Pero feeling ko mas magiging maayos at mas malinaw yung kwento kung aalisin ko na lang sila sa ACIHS.
          
          Ayun lang naman, share ko lang. Thank you pa rin kung sino man yung patuloy na nagbabasa.