Nangungulila rin naman ako paminsan. Iniisip kung ano ang nangyari at bakit kinailangang wakasan. Huwag kang mag-alala. Narito ka pa, ang iyong mukha’y malinaw pa. Ninais kong batiin ka noong iyong kaarawan at mga okasyong nagdaan. Ngunit hindi ako sigurado kung natatandaan mo pa ako. Kaya’t minabuti ko na lamang na hindi umimik. Ikaw naman talaga. Sumasagi ka pa rin sa aking isipan. Ngunit sana’y sinabi mo. Maiintindihan ko naman. Handa naman sana akong maghintay o ‘di kaya’y magdahan dahan lamang tayo hanggang sa maging handa tayong pareho.
Ikaw pa rin. Kahit hindi na ako.