Ever Felt That Way hit me in ways I didn’t even know I needed. Hindi siya yung book na babasahin mo lang para matapos. It felt like parang kausap mo siya and vice versa. And in every chapter, may kurot. Hindi malakas, pero sapat para maalala mo lahat ng tinatago mong emosyon.
Ang dami kong naisip habang binabasa. Yung mga simpleng sandali na akala ko wala lang biglang bumalik lahat. Yung tawa na parang ordinaryo lang, pero nung naalala ko habang binabasa, may bigat pala. Yung tahimik na gabi na parang walang nangyayari, pero sa puso ko, yun yung memory na hindi ko malimutan. The book reminded me that it’s always the little things. Hindi yung grand gestures, hindi yung malalaking milestones. It’s the quiet, random, messy moments that stay.
At ang tambayan part para siyang actual space kung saan pwede kang huminto at umupo. Para siyang nagsabi sa akin na, “hinga ka muna, pwede kang magpahinga dito.” And for the first time in a long time, I allowed myself to do that.
Salamat, Jepoy, kasi hindi lang ako nagbasa. Natuto akong mag-reflect. Natuto akong kumalma. Natuto akong pakinggan ulit yung sarili kong feelings. Ang bihira ng libro na kayang gawin yun, yung hindi lang siya nababasa, pero nararamdaman mo na binabasa ka rin niya.
And maybe that’s the real magic of you and your book. It didn’t give me just a story, it gave me permission to feel. To pause. To remember. And to be okay with all of it.
Mahal kita, Jepoy!Kasama mo ang pamilya Guni Guni hanggang dulo.
your Guni Guni President,
B