thedivinehunter

Chapter 12 is out now!!
          	 #wherethedreamscollide

thedivinehunter

Chapter 7
          
          Sobrang liit lang ng apartment ko. Pagtayo sa kama andoon sa tabi ang dining, kusina tapos bathroom na. Kunot noo ko siyang tiningnan para bawiin ang sinabi ko pero nauna pa siyang pumasok kesa sakin!
          
          “Hey!” Habol ko dahil makalat ang kwarto ko. Mabuti na lang at hindi pa bukas ang mga ilaw. “Wait lang!”
          
          Dali dali kong nilinis ang apartment ko at muntik pa ko madapa dapa dahil natatama ako sa mga dulo ng gamit.
          
          “What’s happening?” Tanong ni Charles.
          
          “Nothing, Doc.” Hinihingal na sabi ko at humarap sa kaniya saka binuksan ang ilaw.

thedivinehunter

Where dreams Collide
          
          “So…” sabi ko, pinapahid ang pintura sa gilid ng brush ko, “Med school ka sa St. Matthew’s?”
          
          Tumango siya. “Fourth year. Internship na next sem.”
          
          “Wow,” napahinto ako sa pagpipinta at napatingin sa kanya. “Kaya pala parang hindi ka na natutulog.”
          
          Ngumiti siya nang bahagya. “Hindi option ‘yon sa amin.”
          
          Napailing ako. “Grabe. Akala ko sa fine arts lang uso ang all-nighter.”
          
          “Pareho lang pala,” sagot niya. “Magkaiba lang ng sinusugal.”