Hi! It's been awhile ever since nakita nyo ako dito. Anyways, uhm I came here to ask, how are you? I know na may ibang naka experience ng bagyong Rolly, whether or not dumaan lang sa inyo or nag landfall sa inyo. And I want you guys to know na, kaya natin to. Malalagpasan din natin to kung magtutulungan tayo. Siguro may iba na natatakot, may iba rin na iba't ibang klase ng emosyon ang nararamdaman ngayon dahil sa nangyari. Pero magtiwala lang tayo sa Dyos dahil hindi niya tayo pababayaan. At alam kong may iba na nanghihinayang kasi they've lost everything, what makes it more frustrating and all is dahil may pandemiya. Pero what's important is we are still alive. Kaya alam ko, makakabangon pa tayo kung tayo'y magtutulungan. Kaya natin to, at malalampasan din natin ito. Magtiwala lang tayo.
Also para sa mga taong napapagod dahil sa online classes, kaya natin to! Magpahinga kayo kung kinakailangan ok? Kasi mas mahalaga pa rin ang ating kalusugan kesa sa mga grades na yan.
Anyways, I hope you're all fine, and Happy All Soul's Day!