MARAMING SALAMAT. Kanina lang ako nagkaroon ng pagkakataong basahin ang likha mo at sobrang gumaan yung pakiramdam ko nung matapos ko 'to. Gaya ni Andy, kinuha na din Niya yung tatay ko at hindi ko sinasadyang magtanim ng sama ng loob. Kahit alam kong mali at wala akong karapatan, ang tagal kong kinimkim ng hinanakit ko sa Diyos. Walang dasal-dasal, walang simba-simba. After kong mabasa yung story mo, napagdesisyunan kong magsimba this coming Sunday. Hihingi ako ng tawad sa Kanya, and just like Andy, susubukan kong isuko sa Kanya ng lahat at isabuhay ang aral ng istoryang 'to: ACHIEVEMENTS. ACCEPTANCE. AFFECTION. FORGIVENESS. GRATITUDE.
NBSB ako. Zero experience sa love. Beinte y sinco anyos na ako teh! Kung di ba naman ako timang na habol ng habol sa mga bakla. Wala eh, sila yung nagpapatibok ng puso ko kahit na alam kong wala ni katiting na tiyansa na mahalin nila ako pabalik. Pero tinuruan ako ng istorya na 'to upang paghandaan ang pagdating ni TOTGA. Siguro matagal-tagal pa akong maghihintay, but I will use that as an opportunity to create a better version of me. Yung 'bagong ako' na hindi lang pasok sa panlasa ni 'the One', dapat yung approved din ni God.
Naku, pasensya na at ang dami kong hanash! Pero maraming salamat talaga at ibinagahi mo sa amin ang isang obra na talagang hindi lang nagpaiyak at nagpakilig sa mga mambabasa, tinulungan mo din kami, lalo na ako, na muling buksan ang puso sa Kanya.
Thanks for giving me the chance to read and appreciate your work. God Bless!