Sana ayos at safe kayo. Sana safe tayong lahat, ngayon at pagkatapos ng lahat na ‘to.
Nakakapanlumo. Hindi pa tayo nakakahinga at nakaka-recover sa mga lindol at naunang bagyo, meron na naman. Gasgas na at paulit-ulit na lang pero wala tayong magagawa sa ngayon kundi magpakatatag, magtulungan at manalangin.
Please let’s check on each other. Maging alerto at maging preparado hangga’t kaya at maaari. Mag-ingat po tayong lahat.
Malalagpasan natin ulit ito, pero pagkatapos nito, naway gamitin natin lahat ng pagkakataon, oportunidad, at boses na mayroon tayo para maisulong ang pagbabago, maitama ang mga mali, at mapanagot ang mga dapat managot.
May magagawa tayo. Resiliency isn’t enough anymore. Babangon tayo pero gagalaw din. Simula sa pinakasimpleng bagay tulad ng pagkilala at pagsuri sa mga niluluklok natin, pagpalaganap ng mga makatotohanang ulat (no to fake news) at pakikiisa sa mga tunay na pagkilos para sa ikabubuti ng nakararami.
Hindi natin kailangang hintayin ang susunod na trahedya para kumilos o magising. Magsimula tayo ngayon sa pagiging mapanuri, sa pagtulong sa kapwa, at sa hindi pagbalewala sa mga isyung bumabalot sa atin.
Keep safe everyone! My heart and my prayers are with all of you, all of us!