Bata pa lang ako, pangarap ko na talagang maging isang manunulat. Madalas binabagabag ako ng maraming ideya. Madalas imposibleng mga pangyayari pero alam kong magiging pasabog sapagkat naniniwala akong magiging bago iyon sa panlasa ng mga mambabasang Pilipino.
Ang problema nga lang, masyado akong tamad magsulat. Ewan ba. Iniisip ko nga kung talaga bang gusto ko talagang maging isang manunulat o baka naman nasisiyahan lang ako sa ideyang tadhana ko na ang maging isang dakilang manunulat.
Anim na araw mula ngayon, magtatapos na ako sa kolehiyo. At ayaw ko pa ring tanggapin na nakatadhana akong maging isang guro.