trinasdfghkl

Hays. 'Di kasi ako inspired ngayon kaya walang maisulat.

trinasdfghkl

I Love You Since 1982- ito ang pinakamagandang istorya dito sa Wattpad na aking binasa. Sobrang ganda ng istorya't pagkakagawa. Iyong TWIST! Doon ako sobrang namangha sa nagsulat ng istoryang iyon dahil sobrang lawak ng kaniyang pag-iisip at kaniyang naisip na gumawa ng ganitong kagandang istorya. Bukod sa 'plot' ng istoryang ito, isa pang dahilan kung bakit ito ang pinaka paborito ko sa lahat ng mga nabasa ko ay dahil sa marami akong natutunan. Katulad ni Carmela, natutunan kong mahalin ang ating bansa, natuto akong pahalagahan ang ating wika, mga pinamana sa atin ng ating mga mining, pagmamahal sa pamilya't sa Diyos at ang pagiging isang Dalagang Pilipina. Sa totoo lang, hindi ako ganoon masyadong nakinig sa mga sinasabi o tinuturo ng aking guro noong ako'y nasa elementarya pa lamang tungkol sa kasaysayan ng ating bansa. Wala akong pakielam noon dahil sabi nga nila "past is past", nangyari na ito, bakit ko pa ito pag-aralan? Pero dahil sa istoryang ito, nalaman kong grabe pala ang sakripisyo ng mga ninuno natin para maging malaya ang ating inang bansa. At nakakalungkot lang na isipin na ang kabataan ngayo'y, kasama ako, hindi na pinapahalagahan ang kasaysayan ng ating bansa. 
          
          -continue

trinasdfghkl

panget mindset mo, 2017 Katrina whahahahha
Reply

trinasdfghkl

*mga ninuno
Reply

trinasdfghkl

*ngunit naging
Reply