@MINZY2222 hello! sorry it's been a year since you've ask for my advice. Sorry ngayon lang ako nakapagreply. Uhmm, tungkol dun sa tanong mo.. here's my advice for you:
1. Wag mong ikulong ang sarili mo sa mundo niya. Tandaan mo hindi lang sa kanya umiikot ang mundo. Maraming tao pa ang nasa paligid mo, try mo silang bigyan ng pansin. Atsaka, may maraming bagay pa na pwede mong pagbalingan ng atensyon.
2. Wag mong madaliin ang pagtanggap na hanggang friends lang kayo. Dahan-dahan yan. Hindi makikinig ang puso mo kung bibiglain mo ito. Pero dapat pairalin mo talaga ang isip mo kasi alam nito kung ano ang tama.
3. Wag kang umasa na may pag-asa kayo. Kung sa tingin mong wala ka talagang laban sa crush niya, edi tigilan mo na ang pagdaday-dream mo sa kanya. Tanggapin mo na hanggang friends lang kayo. Ganito isipin mo, "Kung naging kayo, may malaking posibilidad na maghihiwalay kayo at maraming pwedeng magbago. " Oh diba, mas masakit yun?
Tandaan: ang tunay na pagkakaibigan ay pangmatagalan kumpara sa isang relasyon na maaring humantong sa masakit na hiwalayan.
Cge hanggang dito nalang. I hope my advice is not yet too late. Haha :) Good luck sa life mo at God Bless.