Noong bata pa ako, naguguluhan ako kung ano ang gusto kong maging. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong gawin.
Nagsimula yung hilig ko sa pagsusulat noong nasa elementary palang ako. Nakakitaan ako ng teacher ko ng talent sa pagsusulat at sinimulan nyang hasain ang talento ko sa pamamagitan ng pagsali sa mga Essay writing competitions.
Natagpuan ko ang sarili ko na unti-unting napapamahal na sa pagsusulat at doon ko napagtanto na ito na pala ang gusto kong gawin.
Gusto kong maging isang writer dahil ito ang gusto ko.
Gusto kong maging isang writer dahil dito ako masaya.
Gusto kong maging isang writer dahil sinagip nito ang buhay ko.
Dahil sa pagsusulat, nagkaroon ako ng rason para magpatuloy sa buhay. Napakababaw mang pakinggan pero ang pagsusulat ang paraan ko ng pagtakas sa magulo kong mundo.
Alam kong nagsisimula ko palang ibahagi ang nasa loob ng aking malawak na imahinasyon.
Alam kong marami pa akong kailangang matutunan sa larangang ito.
Naniniwala ako na ang mga writers ang tahimik na boses ng lipunan.
Hinding-hindi ako titigil sa pagsusulat maubos man ang tinta at papel sa mundo.
Basta’t may isang naniniwala sapat na yun para magpatuloy ako sa pangarap ko.