Grabeeeeeeeee na-miss ko ang wattpad! Ang pagpupuyat, ang mainis, ang matawa at umiyak mag-isa, ang masabik sa mga susunod na ganap, ang maparanoid, ang maniwalang may forever kahit wala naman talaga, ang magbasa, ang magbasa magdamag, ang magbasa ng hindi tumitigil hangga't di natatapos ang epilogue at higit sa lahat ang magsulat, ang isulat ang mga bagay na likha ng kay likot kong imahinasyon, ang magsulat ng may katapusan para hindi mabitin ang mangilan ngilang kong mambabasa.. Dahil alam ko ang pakiramdam ng mabitin, nang maiwan sa ere, ang umasa, ang maghintay ng walang kasiguraduhan.
So sa haba nito obvious naman sigurong na-miss ko ang watty waaaaahhh! I shall return very very very soon, sa ngayon sleep muna ko. Wasted na Bes!